Wednesday, June 11, 2014

Etude House: Hot Style Bubble Hair Color #3 (Natural Brown)

Hi Everyone! Im gonna review this hair coloring product na ngayon ko lang na-try. I've tried coloring my hair before using different brands like revlon and palty at nagpakulay narin ako sa mga salons but sa kasamaang palad hindi ko nagugustuhan minsan ang result kaya mas pinili ko na ako nalang magkulay ng buhok ko. So para sa mga taong bet ang magkulay ng sariling buhok here is my review on Etude house's Bubble Hair Color. :) 

Sabi sa box, this ammonia-free, foaming permanent hair color delivers beautiful, evenly covered hair with its non-drip, conditioning formula. Ang presyo ng kit na ito ay Php. 378.00 at nabibili sa Etude House Stores. Nabili ko yung sakin sa Robinsons Metro East.


Ito ang mga nasa loob ng box. That white bottle with a pump na may 2 na nakalagay ay ang Oxidizing Developer at yung nasa pink na sachet na may nakalagay na 1 ay ang Colorant. Yung violet na sachet naman ay ang Silky Perfumed Treatment. Doon naman sa may ziplock nakalagay yung Gloves at Plastic Gown.

 

1.  Ibuhos ang Colorant yung pink sachet na may 1 sa may Oxidizing Developer yung white bottle with pump na may 2 na nakalagay.


2. Dahan-dahang itagilid ang bote from side to side kagaya ng nasa picture hanggang sa ma mix ng mabute ang laman. Pagkatapos nito ay dapat gamitin na agad.



 Eto ang kulay ng buhok ko bago ko i-apply ang pang-kulay. May konting kulay yung hair ko dyan ginamit ko yung palty bubble hair color in milktea brown pero nag fade na after 4 months. 

Left Side:



Right Side:



Bago iapply ang pang-kulay isuot ang plastic gown para hindi madumihan ang damit. Kakailanganin mo ng pin o rubberband para isecure ang plastic gown at isuot ang Gloves. We are ready to color our hair! :) Pag tapos ko iapply ang bubble hair color nag suot ako ng Shower Cap para mas kumapit ang kulay at naghintay ako ng 40 minutes dahil makapal buhok ko pero pwede din kahit 30 mins lang. 

Ang final step ay ang pag gamit ng Silky Perfumed Treatment para ibalik ang lambot ng buhok natin. Sabi sa box leave it for 3-5 minutes pero ginawa kong 10 minutes para mas lalong lumambot buhok ko. anddd the final result !! 

Right Side: Indoor Lighting O sa loob ng bahay :) :P

   
Left side: Indoor Lighting


Right Side: Outdoor Lighting O sa ilalim ng araw. :) :P
*kinabukasan


 Verdict:
Sa pag-aapply sa buhok ng pang-kulay sobrang dali kasi para kalang nag shashampoo at yung amoy ng pang-kulay mabango at hindi gaano matapang yung amoy at masakit sa anit kagaya ng ibang pang-kulay kasi ammonia free. Maganda yung pagkakulay niya sa buhok ko napaka-vibrant daw. xD which i like. :D Kaya lang dahil nga makapal buhok ko yung roots ko hindi masyado nakulayan. :( I wish 1 hour ko nalang siya binabad sa buhok ko para mas makulay at dapat laging uunahin ang roots kapag lumabas na yung tunay na kulay ng buhok mo. But all in all gusto ko siya kasi yung girl sa packaging o sa box kakulay ko na hair niya. :)) at yung hair treatment "the bomb!" haha sobrang pinalambot nya ang buhok ko. Love it.<3 br="">

Dali ng pag-kulay = 5 / 5
Presyo= 5 / 5
Availability/Dami ng mapagbibilan= 3/5
Kinalabasan = 4 / 5



Salamat sa pagbasa ng aking blog! Sana ay nakatulong ako sainyo at naenjoy niyo ang blogpost na ito. :) Seeyou again on my next blog. Bye! :)